

Pumapatay ang pagmimina. Pinapatag nito ang mga bundok at pinapatay ang mga ilog. Pinalalayas nito ang mga kumonidad at mga katutubo mula sa kanilang nga lupa.
Ang puno’t dulo ng mga pasakit at kasiraang ito ay ang R.A. 7942 (1995 Mining Act) na nagpapayaman sa mga mining corporation kapalit ang pagsira ng kalikasan.
Kumbinsihin natin ang Kongreso na isabatas ang Alternative Minerals Management Bill (AMMB) at pangalagaan ang kalikasan at isulong ang kapakanan ng mamamayan. Ang ating panawagan: #PassAMMB, #BuhayBagoKita!

Pinoprotektahan ng AMMB ang kalikasan
Ipinagbabawal ng AMMB ang pagmimina sa mga kritikal na lugar gaya ng watersheds, key biodiversity areas, mga lugar na nasa panganib sa disaster at pagbabago ng klima at mga lugar na idineklarang no-go mining areas.
Ipagbabawal ng AMMB ang open-pit mining na nagdudulot ng permanenteng pagkasira ng kalikasan.
Pangangalagaan ng AMMB ang mga kumonidad
Titiyakin ng AMMB na kukunin ang Free, Prior and Informed Consent ng mga katutubo kaugnay ng lahat ng pagmimina.
Papatawan ng matinding kaparusahan katulad ng suspension ng operasyon ng mga kompanya na lalabag sa mga karapatang pantao, kasama ang paggamit ng dahas at pagpaslang sa mga lumalaban sa pagmimina.

Itataguyod ng AMMB ang bansa
Tanging ang mga mineral na kailangan para sa pambansang industrialisasyon lamang ang miminahin upang makatulong sa paggawa ng mga kalsada at gusali, at mga gamit sa agrikultura
Idagdag ang inyong pangalan sa aming petisyon na ipapadala namin sa Kongreso upang ipasa ang Alternative Minerals Management Bill.
Panoorin ang video tungkol sa laban ng mga Ifugao sa Didipio, Nueva Vizcaya. Layon ng AMMB ang mas maayos na pangangasiwa ng minerales ng bayan at iwasan ang nangyari sa Nueva Vizcaya.
Learn more about the AMMB:
Kabilin: Journal of Natural Resources
Issue Focus: The Alternative Minerals Management Bill
Featuring:
Overstating the Contributions of Mining to Regional Economies
By James Matthew Miraflor
Why a 10% Excise Mining Works
By Rio Dayao
Determining a Watershed Management Unit
By Dr. Jessica Salas
Download Kabilin: Philippine Journal of Natural Resources here
