Itigil ang pagpaslang sa mga Lumad! Respetuhin ang karapatang pantao at ang karapatang pagpasya sa l
Kaming 26 na miyembro ng konseho at peace panel ng Independent Indigenous Peoples’ Voice na nanggagaling sa iba’t-ibang tribu ng Lumad sa Mindanao ay mariin na kumukondena sa walang patid na patayan sa aming hanay. Sa Munisipyo ng Arakan, North Cotabato lamang, pito (7) ka tao na ang namatay simula pa noong Oktubre 2017 hanggang sa buwan ng Enero ng kasalukuyang taon. Karamihan sa mga ito ay Lumad. Pito (7) ka tao na ang napaslang na naitala namin sa pagitan noong Oktubre han