top of page
Katutubong Lilak

PAHAYAG NG PAKIKIISA AT SUPORTA SA PANAWAGAN NG MGA LUMAD PARA SA LUBOS NA PAGKILALA NG KARAPATAN NG


"pwede bang gawin yon - di patuparin ang isang pambansang batas tulad ng IPRA sa isang bahagi ng PIlipinas, tulad ng ARMM? nakakatakot para sa ating lahat na katutubo,"Jeanette Binas, Ati ng Tobias Fornier, Antique. Isa sa mga pumirma ng pahayag ng suporta sa mga Lumad . . .

PAHAYAG NG PAKIKIISA AT SUPORTA SA PANAWAGAN NG MGA LUMAD PARA SA LUBOS NA PAGKILALA NG KARAPATAN NG MGA KATUTUBO SA BANGSAMORO BASIC LAW

Kami, mga katutubong kababaihang Iraynon Bukidnon, Ati ng Antique, Alangan Mangyan, Buhid Mangyan, at Hanunuo Mangyan ng Mindoro, Aklanon Bukidnon ng Aklan, Ati ng Guimaras, na nagtipon-tipon para sa indigenous women gathering na “ang katutubong kababaihan: pwersa para sa panghustisyang klima”, ay nagpapahayag ng aming kolektibong pakikiisa at pagsuporta sa mga kapatid naming mga katutubong Teduray, Lambangian, Dulangan Manobo sa core area, at iba pang mga Lumad sa mindanao sa kanilang panawagan para sa lubos na pagkilala ng karapatan ng mga katutubo sa ilalim ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Batid namin ang kahalagahan ng pag-uusap sa kongreso kaugnay ng panukalang bangsamoro basic law at ang panawagan ng mga katutubo ng mindanao kaugnay nito.

Ang aming identity o pagkakakilanlan bilang katutubo at ang karapatan namin sa aming lupang ninuno o ancestral domain na kinilala na sa ilalim ng pambansang batas na Indigenous Peoples Rights Act o IPRA at muling pinagtibay sa ilalim ng United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples o UNDRIP ay dapat na lubusang maipatupad saan mang bahagi ng Pilipinas.

Kaisa kami sa paghahangad ng tunay kapayapaan at hustisyang panlipunan sa mindanao para sa mga komunidad na matagal nang inapi at pinagkaitan ng hustisya.

Naniniwala kami na walang tunay na kapayapaan at hustisyang panlipunan sa loob ng bangsamoro kung walang lubos na pagkilala sa karapatan ng mga katutubo.

Pinagkaisahan sa Punta Hagdan Resort, Tobias Fornier, Antique ngayong ika-20 ng Mayo 2015. photo by judy a. pasimio

247 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page